Tuesday, June 06, 2006

VN: MGA TULA ~ikalawang kabanata~

PAUNANG SALITA:

ang mga sumusunod ay mga koleksiyon ng mga tulang ginawa ko.
maari kayong magbigay ng opinyon o mga suggestion sa aking mga ginawa, maluwag ko po itong tatangapin.
nais ko lamang ipaalala na illegal po ang pagkopya ng aking mga gawa, kung gusto nyo po
itong kopyahin ipag-paaalam lang po ninyo sa akin dahil kung ito ay iyong lalabagin ang iyong gagawin ay tinatawag na plagiarism (tama ba ang ispelling?). nyahaha . salamat po.
copyright @ 2006


"BATANG ULAN"

tagulan ang pinakamagandang panahontag ulan ang pinaka masayang panahon,
ulan ang pinakamagandang pangyayari
kung saan ang lahat ng taga lupa ay makakasaksi.

tagulan noong pagkabata ang di malilimutan,
habang nagtatakbuhan sa bahang galing sa kanal,
mga bangkang papel na pinagaagawan,
kasabay ng mga tsinelas na naglulutangan.

baha mula sa kanal,
libo libong boraks na nagkalat sa daan.
ang mga batang nagsisilanguyan
sa higanteng swimming pool ng kalookan.

tanda mo pa ba ang ritwal,
kung saan magdrodrowing ka ng araw sa daan,
sabi ng mga batang kumag,para daw hindi umulan.
mga batang kumag na masarap pagbabatukan,
mga batang ayaw umulan,
ano bang masama sa ulan...
masama bang linisin ang mundo paminsan minsan?

MABOTENG USAPAN...


matagal tagal na rin akong hindi nakakapag disinfect ng aking lalamunan...
alam mo na siguro yung sinasabi ko...
Inuman,Alak,Grandma,Empi,Alokohol,Serbesa,Alcohol party.etsetera... etsetera... etsetera...
Tagal na rin... ang huling natatandaan kong inuman eh nung kasama ko siBuddy(hindi totoong pangalan) sa sobrang walang magawa sa buhay eh pinag eksperimentuhan namin yungisang bote ng gin, nilagayan namin ng cocoa tapos konting asukal,at ice tapos inilagaysa isang sosyaling baso yung tipong iniinuman ng mga sosyalin, di ko alam ang tawag dun eh, kaya imaginin nyo nalang.
"a ToasT for friendship!"
ok ang inuman kaya lang nagiiba ang lasa ng aming inuming pinangalanan naming "Ginakolate" (sagwa')sa kadahilanang kapag nawawalan ito ng lamig ay hindi na sumasarap at tila ka kumakain ng malamiglamig na champoradongnilagyan ng gin sa umaga. (Gross)
nakakamiss din uminom lalo na pag kumpleto ang barkada.pero bakit nga ba inuman ang ginagawa kadalasan tuwing may kasiyahan o di naman kaya ay kalungkutan.
siguro nagsimula ito nung panahon pa ni kristo... hmmm. lufet eh no siya pa yung tangero kaya lang parang ang pangit ng pulutan nila ... skyflakes amp... malas naman nila di pa naiimbento ang Tuna,mani,butong pakwan, sisig, inihaw na bangus,litsong manok with sauce... etsetera...etsetera...etsetera...
siguro dahil din sa kanya kaya siguro nagpasa pasa na sa ibat ibang henerasyon ang ritwal ng paginom.
"ano ba ang masarap sa alak?"
yan ang tanong ko nung bata pa ako... lumaki akong laging nakikita ang lolo ko na umiinom ng serbesa gabi gabi bago siya matulog.nagtataka ako sa lolo ko kung bakit ganun ang lagi niyang ginagawa sa araw araw na ginawa ng Diyos. langya. lumaki tuloy akong curious.tuwing may family reunion sa aming angkan, mapa fiesta man, birthday, holiday, at iba pang okasyon laging may inuman.mga tiyuhin kong nagtatawanan, mga ibat ibang kwentuhan, mga biruan, kantahan, kasiyahan lahat ng iyan ang nakikita ko saangkan namin. nagtataka rin ako kung bakit hindi sila nasusuya sa iniinom nila, tubig pa nga lang uminom ka ng 3 baso masusuya ka na ehpero bat sila bote bote na wala pa rin silang sawa?... lumaki ako na ganoon pa rin ang tanong sa sarili ko.
"ano ba ang masarap sa alak?"
una akong tumikim ng alak nung akoy musmos pa lamang... sa aking pagkakaalala mga nasa bandang 8-9 na taong gulang pa lamang... ang unang tikim na nagdulot ng pinakapangit na itsurang makikita mo sa isang aanga-angang batang tulad ko."PWE! ampait" sinabi ko sa sarili ko... iyon na siguro ang pinaka masagwang lasang natikman ko sa isang inumin, pumapangalawa sa gatas na expired na tinikman ko dati. "Walangya ganito pala ang lasa nito" sabi ko sa aking sarili. simula non hindi na ako nag-tangkapang tumikim uli ng alak. pero ganoon parin ang tanong sa aking sarili.
"ano ba ang masarap sa alak?"
highschool na ako. sa mga panahong ganito hindi talaga maiiwasan ang bisyo at barkada.minsan pag uwian o kaya halfday lang ang pasok namin nagkakayayaan na maginuman.dito ko unang tinikman ang unang baso ng alak na pinapaikot sa aming mga magkakaklase at magkakaibigan. eto na nasa kamay ko na. *inom* .... *lunok*... *ahhh* sabay tiis sa pait at init sa bibig na dulot ng alak [gin]masuka-suka na ako pero tuloy parin ang ikot ng baso... tiniis at sinanay ang sarili sa lasa ng diablo.at biglang umakyat ang espirito sa ulo ko. first time ko malasing nung highschool ako di ko na matandaan kung anoang pinag gagagawa ko, pero unti-unting nagbabago ang tanong na kumapit sa isipan ko simula pagkabata.
"bakit ba kami lagi umiinom?""ano ba ang iinumin natin?""magkano ang ambag?"
ngunit nandoon pa rin ang tinatagong tanong sa sarili ko na...
"ano ba ang masarap sa alak?"
college na ako. tapos na ang maliligayang araw ng highschool. dito na papasok ang mga impluwensiyaat tukso sa mga taong galing sa ibat ibang iskwelahan sa ibat ibang lupalop. inom dito pag trip.inom doon. hindi naman ako ganon ka lulong sa alak,di tulad nung highschool, dahil hindi ko naman masyadoka kilala ang mga nakakasama ko sa inuman. pero ang pinaka da best na kainuman ay ang mga tunay mong kaibiganpara kayong nag La Last Supper sA modernong panahon ang pagkakaiba lang ay walang ipapako sa krus kinabukasan.unti unting nasagot ang tanong na nagsimula mula pa nung bata"
"ang masarap sa alak ay hindi mismo yung alak, kundi ang kwentuhan at kasiyahan at higit salahat ay mayroon kang kainuman at kumpleto kayong magkakaibigan"
NAX!


Ang parteng ito ay pinamagatang...

"BANGAG"

habang nasa bahay ng isang kaibigan...

*inom*... *lunok*... *salita*...*tawa*... *tulala*... isa pa! (repeat 5-20 times then Fade)

Eksena:

nakikipagtitigan sa toilet bowl

ako: "BRUlwAk... *ubo* *ubo*... "urllllwak* "kwaaak" "pwe!"

extra: "pare ok ka lang? inom pa tayo dami pang bote"

ako: "ayoko naurllwaaaak" "pwe!"

diretso sa kwarto, higa, pikit,

...ramdam pa rin ang pagikot ng paningin habang nakapikit sa dilim.
extra: *binuksan ang pinto ng kwarto* "OY inoM pa TAYO!"

ako: "zzZZzzzZZzz..."

kinabukasan pag gising sa umaga

ako: "nasang kwarto na ako? bat ang daming natutulog dito?"
gigisingin ang may ari ng bahay...

ako: "pare pakain naman ng koko krunch."

pare: *ungol* "zzzzz"

-END-

VN: MGA TULA ~unang kabanata~

"MGA BUTETE AT KANAL at ANG BUHAY NA KARNABAL"


tara sabay ka sa panaginip ko.
ipikit ang iyong mata

at imulat ang kaluluwang gustong makawala.
babalik tayo sa iyong pagkabata.
sa tindahan ng champurado't lugaw sa aming harap,
kung saan nagsimula ang mga munting pangarap,
unti unting lagyan ng gatas at asukal
ang tsokolateng ubod ng sarap,
kung saan ang mga langgam ay nais na humiga at mangarap,
tanda mo pa ba ang nakakatamad na araw ng linggo,
kung saan napapanood mo sa telebisyon ang iyong mga paboritong superhero.
shaider, batman, bio-man, machine man, mask-rider,ultimate warior, under taker,
at kung sino pa mang taong utak gulaman.
naalala mo ba ang makulit mong imahinasyon,
ang mga kalaro mong amoy baktol,
ang mga pinsan mong itinuring mong mga utol,
at ang ninong mong ibinurol.
saya at pait na nadarama sa bawat umaga,
lasap na lasap ang fruit juice at cheese bread na almusal sa harap ng kanal.
mga buteteng pinagprapraktisang hulihin ng walis tingting na kinuha sa kapitbahay ng lola mong si Pining.
tanda mo pa ba ang mainit na goma.
ang balat mong unti unting kinukuha ng jeepney driver na tatanga tanga.
dugo!
dugo!
Diyos ko po!
bit-bit ang apong dadalhin sa ospital,
tila birheng maria na daladala ang nakalupapay na katawan ni Hesu Kristo ang aking mahal na lola.
sakay sakay ng jeep na muntik ng nakawin ang aking buhay.
tatay!
nanay!
unti unting kinuha ang aking itay
ng gamot ng dyablong nakaplastik ang sungay.
gapang,
gapang,
ang batang muling bumalik sa pagka-sangol,
at ang mga bendang nagkakabuhol buhol.
lakad,
lakad,
tumindig at abutin ang iyong mga pangarap,
nasan na ang aking alahas,
ang sabi ng aking inay,
ngunit sa sanglaan na pala ito naghihintay.
magulong buhay ang unti unting hinarap
ng aking utol na maganda sana ang pangarap,
kuya!
pssst!
kuya!
pssst!
paulit ulit na sigaw sa bintana nakaharap,
minamalat na ang boses kakatawag,
bata,
bata,
idilat mo sandali ang iyong mga mata,
ano ba ang iyong nakikita?
ano ba ang iyong nadarama?
mga alaala ng pagkabatang inaalikabok,
mulit muling inaalala sa isang sulok.
bata,
bata,
ipikit mo nang muli ang iyong mga mata.
wala ka na muling makikita.
didilim ang paligid
at makakatulog at mananaginip.
gigising kang nakahiga sa mga ulap.
at makakabalik sa pagkabatang
iyong pinapangarap.





"Brownout"


Maliwanag ang ilaw sa kisame ng hapagkainan
mga putaheng tamang-tama sa paparating na kadiliman
alas diyes ng gabi nawalan ng buhay ang mga bumbilya ng mga bahay
dilim na kumalat na parang apoy sa mga kapitbahay


wala ng buhay ang mga alitaptap
tanging mahinang sinag ng buwan nalang ang umaalab
lamig ng hating gabi biglang dumampi,
sa katawa'y kumalat bigla ang hapdi


teleponong natutulog sa isang sulok,
sa kwartong unti unting nabubulok,
ginaw ng hanging pumasok sa aking pandinig
ang lumang sigaw ng aking dibdib.


ikaw ang pagibig at ang sakit ay iisa,
araw-araw na lumutang sa balon ng aking pagiisa.
paulit ulit na iniigib ng pusong manhid at sugatan,
hangang kailan kaya lulutang sa kalawakan?


mata kong pilit na ipinipikit,
sa bawat salitang iyong binibitbit,
tila kutsilyong itinatarak sa aking lalamunan
ang kahapon nating bigla mo nalang kinalimutan.


ikaw ang dugo na umaagos sa aking pagkamatay,
ikaw rin ang dugong nagbibigay sa akin ng buhay,
araw araw akong mamamatay
sa lantang rosas na iyong inalay.



"TULA ng TULALA"


Mababaw ka sa paningin ng iba,
ngunit sa kababawan mo lahat nagsisimula,


damdaming isinusulat mula sa tinta ng dugo mong
umiikot sa pagkatao kong naghihikahos,
tintang habangbuhay na hindi nauubos.


lumang talata,
mga kwento ng pagkabata,
lumang pagibig,
sa kaluluwa koy yumayanig.


Mababaw ka sa paningin ng iba,
ngunit sa kababawan mo natuto akong malunod sa luha,
mga salitang umiikot sa aking isipan,


di malilimutan kailan man.



"Ommision"



pulling my hand towards me
the temptation seems so strong for me
i cant hold back
its too strong for me,


Voices in my head
pushIng me Nearer in to the Edge
2 stanzas and your still in my head
when will this temptation end,


Doing This while thingking of you,
THe feeliNG and THe spIrit bursting in this silence
But yOUR presence is still in Absence
in This dimension Of doubts and regrets


ommiting this sin
now i see the bliss
commiting this sin
now im falling in to this abyss


i Feel so Exhausted,
i Feel so Depleted,
Tommorow i will forget this ,
but now im beginning regret this


as i lay my head in this messy bed
while trying to find the most familiar constelations above my head,
i see this three stars lined up,
seems like this wasn't a coincidence


pulling my hand away from me
the temptation is now weak for me
ill sleep before the morning wakes
and still see the sun burning,


"AKALA"


kay tagal kitang hinintay
para sa pangalawang pagkakataon ay di na magkahiwalay
tiniis kong isipin na masaya kayo habang kasama nya
pinigil ang luhang papatak na sana

ng bigla kang dumaating
at ipinagtapat sakin
na akoy mahal parin

mga matay biglang nagtubig
sa di inaasahang pagbabalik
di na nagisip
at naging tayo muli

ngunit bakit ganon
kala ko'y ito na ang panahon
pero sa pangalawang pagkakataon
malulunod nanaman sa pagkaka-ahon


ayoko na
sawa nako
di na muli magpapaloko
di na muling maniniwala
di na aasa na maging tayo uli

inipon kong pagibig na sa wala lang nauwi...




"FRAGILE"


glass is fragile
and so are you
tried all that i can
but it seems that you always


cant comprehend all the words


i sincerely said

glass is broken
and so are we
tried all that i can
to bring the pieces back
sharp edges cut these wounds deeper
blood rushes faster like my heartbeat
and now theres no more space to breathe


all those memories turned to
shattered pieces,


a reflection of a million me,


oh when...


oh when...


will i be free?



Break the glass


im in grave


emergency.



"Problema"


unang patak ng di inaasahang pag-ulan
bilyon-bilyong luhang pinakakawalan
ng kalangitan.
sa gitna ng matinding sikat ng nakakabulag
na liwanag,
tila isang panaginip na
hindi maaaring mangyari kailan man.


Sikaping tikman ang bawat iyak ng mga anghel,
tamis, pait, kasiyahan at kalungkutan
pinag isa upang ating makita't maramdaman,


Langit na sinakluban ng Bigat ng ulap,
Mga Bughaw na kahapong ngayo'y nasasapawan
ng kadiliman.
damadagundong,
umaalingaw-ngaw,
ang kulog at kidlat sa ating kalooban.


ngunit
matapos magalit ang langit,
matapos sumungit ang paligid,
matapos tumalikod ang daigdig,
matapos ang madamdaming pangyayari,


matutuyo ang mga luha,
tutubo ang isang bagong simula,
ngingiti muli ang langit
at magiiwan ng makulay na bahag hari.
lalago ang isang pakiramdam
na karapat dapat lamang
maramdaman ng buong sang katauhan,
kasiyahan.
ang pangarap ng kahit sino man.



"Anghel sa Lupa"



HIndi ka pa buo,


Hindi ka pa tao,


HIndi ka pa tapos,


ngunit nais ka na nilang matapos ang iyong


pagkatao.




ano bang kasalanan ng isang anghel?


bakit ka nakasabit sa buhay at kamatayan?


sanay lumawak ang kanilang isipan,


ano ba ang iyong kapalaran?



makita mo sana ang pangako ng bawat pagsikat ng araw,


marinig mo sana ang mga ibong humuhuni,


maramdaman mo sana ang agos ng tubig,


ang agos ng buhay...


matikman mo sana ang mga bagay na karapat dapat


lang sa iyo ibigay.



ramdam mo ang hapdi,


ramdam mo ang sakit,


ramdam mo ang mapapait na ngiti,


unti-unti kang lumulubog sa kanyang luhang patuloy


na umaagos.



wag kang bumitiw,


wag kang dumulas,


higpitan mo ang kapit


upang ikaw mailabas.



ikaw sana ang maging dahilan


upang mabuhay siya sa kaliwanagan,


ikaw ang rason ng Diyos


kung bakit nais niyang ipagpatuloy ang


pagikot ng mundo.

ANG MONOLOGO NG ISANG TUTUBI



ano ba ang iniisp ko?
ano ba ang iniisip mo?
ano ba ang iniisip nila?
ano ba ang iniisip niya?
ano bang iniisip ng Diyos?
kung ikaw ay maging isang tutubi... at mabubuhay ka lamang sa loob ng bente-kwatro oras? anong gagawin mo?
tutulad ka nalang ba sa tutubing ito na uubusin ang oras kakalipad sa isang mapanghing banyo at mamamatay din dito?...
tatakbo ba ang buhay mo sa opinyon ng ibang tao?
magpapaapekto ka ba sa sasabihin nila?
kung ganon ka napakalaki mong tanga...
e sa sasabihin mo sa sarili mo at sasabihin ng Diyos sayo?
pare ayusin mo buhay mo...

tao ka di ka insekto.