Monday, July 03, 2006

MGA TULA ~ikatlong kabanata~

"Sonnata xi"

moon light sparklesand gentle breeze
a flame of confusionin this valley of bliss.

shiver me more
shiver me no more...

a nightlight in a blurry sky
a fountain of tears from an angel's cry.
clouds aligned in a silvery formation
creeping emotions of extreme depression

shiver me more
shiver me no more...

a glimpse of smile ,
a lady of immesurable divine
lay down in my bed of regrets
a silent moan of rhytmic breath

shiver me more
shiver me no more...

tales of sensual history
burrowed deep in this cosmic fantasy
collection of events
thrown into the sea of forgetfullness.

abyss,
a daily dose of disease,
the shots i've missed,
your eyes that i cant resist.

shiver me more
shiver me no more...

"HALOS"

Anim na Libot siyam na raan anim na putlimang araw na pala akong gumigising sa mundong ito ...

GUmigising upang tulugan ang isang buong araw,
Gumigising upang Abangan muli ang isa pang bukas naakin ring tutulugan ...

Anim na Libot siyam na raan anim na putlimang araw na pala akong gumigising sa mundong ito ...

Ilang panis na laway na kaya ang pinatulo ko?
ilang muta na kaya ang naipon ko?
ilang panaginip na kaya ang isinabuhay ko?

Anim na Libot siyam na raan anim na putlimang araw na pala akong gumigising sa mundong ito ...

sa bawat araw ng pagmulat,
gumagaan,
bumibigat,
ang buhay ng isang batang hubo't hubad

Anim na Libot siyam na raan anim na putlimang araw na pala akong gumigising sa mundong ito ...

ilang oras kaya ang tinulugan ko?
may pagkakaiba kaya kung ang mga oras na iyon ay gising ako?
maayos ko kaya ang krisis sa mundo?

Anim na Libot siyam na raan anim na putlimang araw na pala akong gumigising sa mundong ito ...

ang tagal ko na palang nakatiwangwang sa mundong ito,
naglalakad ng walang pakielam sa paligid ko,
ano kaya ang bakas na maiiwan ko sa mundong ito?

hoy... Gising na... matutulog na tayo...


"BAKAS"

Mabubuhay ka't mamamatay,

"anong bakas ang iiwan mo"

HIhiga ka't mahihimlay,

"anong bakas ang iiwan mo"

Lahat ng ginawa ng tao'y magiging abo,kukupas,masusunog,masisira't kakalawanginat sabay sabay tayong matetetano...

"Anong bakas ang iiwan mo"

Kung sakaling kinabukasan ay ipapapatay ka ng isang siraulong politiko,patuloy parin naman ang pagikot ng mundoisa ka nanamang artikulo sa maliit ng espasyo ng diyaryo.

"Anong bakas ang iiwan mo"

Tula ba ito o tanong,malamang ang umiikot sa isip mo.tao lang tayotao at tae iisang letra ang pinagkaiba.

"Anong bakas ang iiwan mo"

anim na bilyong taong mamamatay at mapapatay mga bahid ng dugong nag daragdag at nagaalis sa kulay ng mundo.anim na bilyong tao manganganak at papatay ng sariling anak.anim na bilyong taong naghahanap ng kahulugan sa buhay.

"anong bakas ang iiwan mo"

balang araw kakalimutan tayo ng mga tao,gaano ka man katanyag,gaano ka man kahalaga,gaano ka man kayaman,isa ka pa ring mainam na pataba sa lupa.

"anong bakas ang iiwan mo."

isang tanong lang kaibigan ko,
isang simpleng tanong na maaring magpabago sa takbo ng buhay mo.

"anong bakas ang iiwan mo."

" HAMOG "

pagtagos ng araw sa aking kurtina
nagsisimula ang bawat umaga.
unti unting sisilaw sa aking mga matangnakapikit pa't nananaginip.

alikabok sa gilid ng mata,
mga naipong luha kaninang alas tres ng umaga
.nanikit sa mga matang pilit na ibinubuka,
ang batang gustong makalasap ng ligaya.

isang araw nanaman ang nagdaan,
isang bukas nanaman ang aabangan,
ang kahapong di na maaring balikan,
at ang ngiting pinipilit na pagaralan.

harapin ang nakaabang na araw,
lakarin ang mahamog na daan.
bugawin ang mga natutulog na langaw.
isa nanamang araw ang magugunaw.

lungkot at saya,
paikutin mo na lang ang roleta.
laruin ang buhay na parang baraha.
malasin man o swertihin,bahala na...

likod mo'y ilapat sa kamang makalat,
katawan mong hindi na kaya ang bigat.
lasingin ang sarili sa pagsisisi,
sana bukas ay hindi muli pang madilat.